MANILA, Philippines - Kapwa kritikal ang isang tattoo artist at kasama nitong nurse makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon sa Pasay City.
Isinugod sa Pasay City General Hospital ang mga biktimang nakilalang sina John Christopher Palad, 25, ng M. dela Cruz St., ng naturang lungsod at Baby Abigail Gagarin, 27, ng Block 3 Lot 12 Saint Anthony St., Adelina Homes, Lipa City.
Sa ulat ni Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Pasay City Police-Station Investigation and Detective Management Section, dakong alas-11:30 ng tanghali nang sunduin ni Palad si Gagarin sa isang bus station sa Buendia, Makati City pagkagaling nito sa Batangas.
Sandaling nagtungo ang dalawa sa bahay ni Palad sa Pasay bago muling umalis dakong ala-1:30 ng hapon sakay ng kanyang kotse (PGT-525). Pagsapit sa kanto ng M. dela Cruz at Arnaiz Streets, hinarang ng isang motorsiklo ang mga biktima at pinaulanan ng bala ng mga hindi nakilalang salarin.
Nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan si Palad habang dalawang tama ng bala sa dibdib ang natamo ni Gagarin. Mabilis na tumakas ang dalawang suspek habang isinugod naman ang mga biktima sa pagamutan.
Isang imbestigasyon na ngayon ang isinaÂsagawa ng Pasay Police sa posibleng mga motibo ng pamamaril. Kabilang dito ang anggulo na “love triangleâ€.