MANILA, Philippines - Tukoy na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspect na nagpaputok ng baril na nakatama at nakapatay kay Stephanie Nicole Ella noong pagsalubong sa Bagong Taon sa Caloocan City.
Ayon kay DOJ Secretary Leila De Lima, hindi muna maaaring ibunyag ang paÂngalan ng nasaÂbing suspect dahil nakikiusap aniya ang NBI.
Sinabi ni De Lima, sa loob ng linggong ito ay mahuhuli na ang naturang salarin na nagmamay-ari ng baril na nakapatay kay Stephanie Nicole.
Nabatid pa kay De Lima na sa ngayon ay iniimbesÂtigahan pa ng NBI kung ang suspect na kanilang natukoy ay tutugma rin sa resulta ng awtopsiya ng ahensya.
Kinumpirma rin ni De Lima na mayroon na ring testimonya ang testigo na posiÂtibong nagtuturo sa salarin.
Una rito, nagsagawa ng parallel investigation ang Death Investigation Division ng NBI sa pagkamatay ni Nicole na biktima ng ligaw na bala upang mas maging komprehensibo ang resulta.