MANILA, Philippines - Isa sa dalawang bata ang iniulat na nalunod habang naÂliligo sa ilog nitong Linggo ang natagpuang bangkay, habang ang isa ay pinaghahanap pa ng awtoridad sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Ayon sa pulisya, tanging ang katawan ng batang si Melvin Genodia, 12, ang natagpuan sa may San Mateo River, Brgy. Bagong Silangan kung saan ito naninirahan.
Patuloy namang pinagÂhaÂhanap ang kalaro nitong si Wency Puracan, 10, na sinasabing kasama sa nawala sa nasabing ilog.
Ayon kay SPO1 Eric Lazo, imbestigador, ang dalawang bata ay pinaniniwalaang naÂlunod habang naglalangoy sa Tumana noong Linggo. Kapwa residente ng Mapayapa Compound, Sitio CleÂmencia, Brgy. Bagong SilaÂngan ang mga biktima.
Gamit ang balsang kawayan ay masayang naligo ang dalawang bata, hanggang sa hindi na umano nakaÂuwi ang mga ito. Patuloy ang paghahanap ng awtoridad sa katawan ng biktimang si Puracan.