MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisÂyon ngayon ang isang babae nang saksakin ito ng kanyang live-in partner dahil sa matinding pagseselos ng huli kamakalawa sa Caloocan City.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Camille Tiana, 20, ng Interior, Barangay 33 ng nabanggit na lungsod.
Hinahanting naman ng pulisya ang suspect na si Jerry Talinga, 25, ng nasabing lugar.
Ayon sa Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng umaga sa loob ng bahay ng mag-live-in sa lugar na nabanggit.
Nabatid, na nagselos ang suspect dahilan upang magtalo ang mga ito at dito na kumuha ng patalim ang lalaki hanggang sa inundayan nito ng ilang saksak ang biktima.
Mabilis na isinugod ang biktima ng kanyang mga kaanak sa nabanggit na ospital at ang suspect naman ay mabilis na tumakas.