Kelot nagbigti

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding depression ang da­hi­lan kung bakit nagpatiwakal ang isang 25-anyos na l­alaki  kahapon sa Taguig City.

Kinilala ng Taguig City Police ang nasawi na si  Bryan Cultura, Road 34, Brgy. North Daang Hari ng nabanggit na lungsod.

Dakong alas-11:00 ng uma­ga nang matagpuan ang biktima ng kanyang mga ka­anak na nakabigti ng nylon cord mismo sa loob ng bahay nito. Patuloy na iniimbesti­gahan ng pulisya ang insidente at ina­alam kung may foul play ito.

Show comments