Reward vs suspect posible pang itaas: Killer ni Nicole, hindi tatantanan - Sec. de Lima
MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni JusÂtice Secretary Leila de Lima na pananagutin nila ang taÂong may kagagawan nito at pagkaÂmaÂtay ni Stephanie Nicole Ella noÂong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay De Lima, ga gawin nila ang lahat ng pa raan upang matukoy ang taÂong responsable sa krimen at mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng paslit.
Ginawa ni De Lima ang pagtiyak matapos na dumaÂlaw ito sa burol ni Nicole upang ipaabot ang pakikiramay ni Pangulong Benigno Aquino.
“I just came from the wake of Nicole. Pumunta po ako para makiramay at para ipaÂrating na rin ang pakikiramay ni President Noy and the assurance to the family na ginagawa ang lahat para ma-solve agad ang insidente at matukoy kung sino ang may kagagawan at papanagutin ito,†ayon sa kalihim.
Kung kailangan umaÂnong itaas pa ang reward para maÂkita ang salarin ay gagawin ng pamahalaan mabigyan lang ng hustisya ang pagkamatay ni Nicole.
Sa kasalukuyan ay umaÂabot na sa P400,000 ang reward para sa makapagtuturo o makapagbibigay imÂÂporÂmasÂyon na nagpapaÂputok ng baril na tumama kay Nicole. Una nang nagÂbigay si Caloocan City Mayor Recom Echiverri ng P200,000 habang nagdagdag pa ng P200,000 si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.
Kaugnay nito sinabi ni de Lima na kanya ring pagpapaÂliwanagin ang prosecutor na may hawak sa kaso ng apat na nahuli at umaming nagpaputok ng baril kung bakit alarm and scandal lamang ang ikinaso sa mga ito.
Gayunman, inatasan na ng kalihim ang prosecutor geÂneral na repasuhin ang finÂdings sa kaso.
“Noong nalaman ko na ganun lang yung charge, I immediately directed the prosecutor general to review the findings kung ‘yan lang ba dapat ang isampa (alarm and scandal). I’m asking for an explanation as to why dinisÂmiss yung illegal discharge of firearm. Kung pwede ipa-review at i-modify yang charge na ‘yan,†sabi ni De Lima.
- Latest