Bebot tinarakan ng ex

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 27-anyos na babae makaraang tarakan sa dibdib ng dati niyang kinakasama, makaraang tumanggi ang una na muling makisama sa huli, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Si Maryrose Gonzales, merchandizer na nagtamo ng sugat sa kaliwang dibdib.

Ang suspect na agad namang naaresto ay nakilalang si Aaron Castiller, 28, at residente ng Pioneer St., Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City.

Ayon kay PO2 Marlon Ponce ng Quezon City Police Station 2, nangyari ang insidente sa harap ng 7-11 na matatagpuan sa Roosevelt Avenue, malapit sa Edsa, Brgy. Katipunan, ganap na alas -3:30 ng hapon.

Sinasabing si Gonzales at Castiller ay dating mag-live-in sa loob ng tatlong taon at nagkahiwalay noong nakalipas na Nov. 15, ng nagdaang taon.

Kaya naman nang muling magkita ang dalawa sa nasabing tindahan, pilit umanong isinasama ng suspect ang biktima, pero tumanggi na ang huli kung saan nanlaban at nagsisigaw ng tulong.

Dahil may dalang icepick ang suspect, nataranta ito nang magsisigaw ang biktima at nasaksak niya ang huli sa katawan.

Tiyempong nagpapatrulya naman ang tropa ni SPO3 Nick Fontanilla sa lugar at naispatan ang komosyon saka hinabol ang suspect at naaresto. Narekober din sa suspect ang icepick na ginamit sa biktima na mabilis namang isinugod sa na­sabing ospital.

Show comments