Kelot na armado ng toy gun, utas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng walang plakang motorsiklo at armado ng toy gun ang bumulagta sa ibabaw ng Pres. Quirino Bridge matapos barilin ng riding­-in-tandem sa San Andres­, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang lalaking inilarawan ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section na nasa edad 35-40, may  taas na 5’3’’, nakasuot ng itim na t-shirt,  checkered na shorts, pulang tsinelas, mahaba at kulot ang buhok.

Tumakas naman ang riding­-in-tandem na armado ng mga baril matapos ang pamamaslang sa biktima dakong alas-11:50 ng gabi kama­kalawa.

Sa imbestigasyon, magka­sunod lamang umanong buma­baybay ang scooter ng biktima at dalawang suspect  at pagsapit sa Quirino Bridge ay binaril na sa sentido ang biktima. Agad na namatay ang bik­tima at narekober sa kanya ang isang toy gun.

Patuloy pang iniimbesti­gahan ang insidente para ma­tukoy ang mga sangkot at makilala ang biktima.

 

Show comments