^

Metro

Bebot putol ang paa nang tumalon sa riles ng MRT

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang babae na sinasabing nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa riles ng Metro Rail Transit (MRT) sa Mandaluyong City ang naputulan ng paa matapos na maipit sa riles kahapon ng umaga. Kaugnay nito, pansamantalang naantala ang operasyon ng MRT dahil natagalan pa bago maalis sa pagkakaipit ang paa ng biktimang si Rica Roma Fernandez, 28, ng  Gen. T. de Leon, Valenzuela City.

Sinasabing kinailangang putulan ng kaliwang paa ang biktima sa Polymedic General Hospital dahil nadurog ang buto nito matapos na maipit sa riles ng tren. Ayon kay MRT General Manager Al Vitangcol, dakong alas-11:14 ng umaga kahapon nang maganap ang insidente sa southbound lane ng MRT-Shaw Blvd. station.

Sinasabing paparating ang tren nang biglang tumalon ang biktima. Sinabi naman ni Renato San Jose, MRT director for operations, na nahirapan umano ang mga awtoridad na maalis kaagad ang pagkakaipit ng babae sanhi upang pansamantalang itigil ang kanilang operasyon. Dakong alas-12:30 naman ng tanghali nang maibalik sa normal ang operasyon ng MRT. Kasalukuyan nang sinisiyasat ng mga awtoridad ang insidente.

Kaugnay nito, muli namang nagpaalala ang pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) sa publiko na bawal ang pag­hu-‘horse playing’ o pagbibiro ng kunwaring pagpapakamatay sa mga istasyon ng LRT at MRT.

 

GENERAL MANAGER AL VITANGCOL

KAUGNAY

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MANDALUYONG CITY

METRO RAIL TRANSIT

MRT

POLYMEDIC GENERAL HOSPITAL

RENATO SAN JOSE

RICA ROMA FERNANDEZ

SHAW BLVD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with