Const. worker inutas dahil sa paputok

MANILA, Philippines - Napatay ang 26-anyos na construction worker na napagbintangang  naghagis ng paputok matapos itong saksakin ng senglot na lalaki sa bahagi ng Kapalaran St. sa Quezon City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Mark Jason Acuña, 26, kung saan idineklarang patay sa Fairview General Hospital.

Samantala, nasakote naman ang suspek na si Abraham­ “Bambam” Paez ng Riverside, Brgy. Commonwealth.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, nagpapaputok ang biktima at kaibigan nitong Loloy sa lugar habang di kalayuan sa kanilang lugar ay nakatayo naman ang suspek.

Kasunod nito, muling nagsindi ng paputok ang biktima subalit sinipa ito ng bata kung saan tumalsik sa suspek bago sumabog.

Dito nagalit ang suspek at kinompronta ang biktima hanggang sa mauwi sa pananaksak.

Nagawa pang tumakas ng biktima kahit sugatan upang umiwas sa suspek subalit hinabol siya nito at muling pinagsasaksak.

Show comments