MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y kilalang magnanakaw sa lugar ang nabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect kahapon sa Quezon City.
Dead on the spot ang biktimang si Alvin Passion, alyas Lupin, 30.
Natagpuang nakahandusay ang biktima sa harap ng isang bahay sa #005 Florentina St., corner Nitang Ave., Brgy. Gulod Novaliches, ganap na alas 4:30 ng hapon.
Ayon kay Dionisio Sibucao, nasa loob siya ng kanyang bahay nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril sa labas.
Nang kanyang tignan, nadiskubre niya ang biktima habang duguang nakahandusay sa simento.
Agad na inireport ni Sibucao ang nakita sa barangay hall na siya namang tumawag ng awtoridad para sa kaukulang imbestigasyon.
Sa pahayag naman ng mga istambay sa lugar, gang war ang ugat umano ang pananaksak sa biktima, dahil ang sinasabing suspect ay matagal na nitong kaaway.
Gayunman, ayon sa CIDU iniimbestigahan pa nila ang nasabing motibo para matukoy ang nasabing suspect.