^

Metro

Baril ng 18,000 parak sa NCRPO, bubusalan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatakdang kabitan ng masking tape ang mga baril ng 18,000 miyembro ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa darating na Disyembre 29.

Sinabi ni NCRPO Director Leonardo Espina na ito ay bahagi pa rin ng taunang pag­tiyak na walang pulis na magpapaputok ng kanilang ser­vice firearm sa pagsalubong sa Bagong­ Taon upang ma­iwasan ang mga tina­tamaan ng ligaw na bala.

Pangungunahan ni Espina ang ceremonial taping sa NCRPO Headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kasabay ng paglalagay din ng tape ng mga District Directors sa kani-kanilang headquarters at police stations.

Muling nagbabala si Espina na sinumang pulis na ma­di­diskubreng nagpaputok ng kanilang baril na walang sapat na dahilan ay agad na matatanggal sa serbisyo.  Maaari naman umanong gamitin ang baril sa lehitimong pag­responde laban sa mga kriminal.

Upang matiyak na may mapaparusahan, hinimok ni Espina ang publiko na gamitin ang kanilang mga cellular phones sa pagkuha ng ebidensya sa pamamagitan ng litrato o video footages sa mga pulis na makikita nilang iligal na nagpapaputok ng kanilang baril.

Personal ding iinspek­syunin ni Espina ang mga baril ng mga pulis pagkatapos ng Bagong Taon upang malaman kung nagamit ito o hindi.

BAGONG TAON

CAMP BAGONG DIWA

DIRECTOR LEONARDO ESPINA

DISTRICT DIRECTORS

DISYEMBRE

ESPINA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with