^

Metro

Kumitil sa buhay ng 7 katao sky lantern sinisilip na sanhi ng sunog sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagpapalipad ng sky lantern ang isa tinitingnang dahilan ng Quezon City Fire Department na sanhi sa pagkasunog ng 18 apartment units sa lungsod na ikinasawi ng pito katao noong araw mismo ng Pasko.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Rosendo Cabillan, fire investigator ng QC-BFP, ang nabanggit na dahilan ay base sa mga impormasyong ibinigay sa kanila ng apat na testigo na nakakita bago ang paglagablab sa isang unit na pag-aari ni Dr. Carlos Fi­lamor Sr. na matatagpuan sa #16 Rest Haven Street, Brgy. Bungad, San Jose del Monte sa lungsod.

Sinabi ni Cabillan, tini­tingnan na nila ng pagpapa­lipad  ng balloon o sky lantern na maaaring ang mismong apoy nito ang tumama sa kabahayan na nagdulot ng sunog. Aalamin din ni Cabillan kung anong oras pinalipad ito sa lugar para malaman kung akma sa oras nang sumiklab ang sunog.   

Gayunman, tinitingnan din ang anggulong buhat sa sumiklab na Christmas lights at ang isa ay koneksyon ng kuryente. Samantala, patuloy pa ring inaalam ng BFP ang mga pangalan ng tatlo sa pitong biktima dahil pawang mga sunog na sunog ang mga katawan nito.

Dagdag ni Cabillan, sa kasalukuyan, ang mga pa­ngalang Dr. Carlos Filamor Sr., 55, at asawang si Corina, 50; anak na Carlos Jr.; at si Eva Filamor-Mutuc at mga anak nitong sina Mateo Errol, 15; at Miguel Andrew, 13; at ang kasambahay na alyas Marina, ang inisyal na hawak nilang listahan, base sa ibinigay ng ilang nakakilala.

“Mahirap kasi naming sabihing sila, kasi sunog na sunog ang kanilang katawan. Ang mga pangalan natin dito eh, base lamang sa pahayag ng ilang kaanak, pero kailangan pa rin nating antayin ang resulta na manggagaling sa SOCO,” sabi pa ni Cabillan.

Maaalalang sumiklab ang sunog sa lugar ganap na alas-5:27 ng madaling-araw habang nasa  kasagsagan ng pagdiriwang ng Pasko. Umabot sa Task Force Charlie ang sunog bago tuluyang naapula ito, ganap na alas-6:58 ng umaga.

Tinatayang aabot sa P7 milyon ang halaga ng ari-ariang napinsala rito.

CABILLAN

CARLOS JR.

DR. CARLOS FI

DR. CARLOS FILAMOR SR.

EVA FILAMOR-MUTUC

MATEO ERROL

MIGUEL ANDREW

PASKO

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with