^

Metro

Bading na makikipag-eyeball sa textmate, utas sa saksak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa umanong bading ang pinagsasaksak at napatay ng hindi kilalang lalaki habang ang una ay naghihintay ng kanyang ka-eyeball na textmate sa lungsod Quezon, kahapon.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo, may-hawak ng kaso, ang biktima ay nakilala lamang sa alyas na “Kyeme” ng kanyang mga kasama.

Nilinaw ni Lazo na si Kyeme at kanyang mga kasama ay miyembro ng isang “text clan” na nagdesisyon na magkita at magkakilala nang harapan dahil tanging sa palitan lamang ng teks messages sila nagkakakilalahan.

Ang biktima ay isinalarawan sa pagitan ng edad 35-40, balingkinitan ang katawan, may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay asul na t-shirt, itim na pants at pares ng tsinelas.

Sa ulat ni Lazo, nangyari ang insidente sa harap ng City bus terminal na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Monica, Novaliches sa lungsod, ganap na alas-4:40 ng madaling-araw.

Sinasabing isa lamang ang sangkot na suspect na inaayudahan ng limang kalalakihan.

Nagkukuwentuhan umano ang mga biktima at ilang kasama sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang suspect na nagbunot ng patalim at inatake ng mga saksak si Kyeme sa katawan. Dahil dito, tinangkang awatin ng kasamahan ng biktima na si Steve Paul, 22, ang suspect, subalit siya naman ang binalingan at sinaksak sa kamay at pagkatapos ay mabilis na itong tumakas.

Dead-on-the-spot sa lugar si Kyeme habang isinugod naman sa Quezon City General Hos­pital si Paul kung saan ito nagpapagaling.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

ERIC LAZO

ISA

KYEME

LAZO

QUEZON CITY GENERAL HOS

QUIRINO HIGHWAY

STEVE PAUL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with