^

Metro

500 bahay naabo sa sunog sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang residente ang iniulat na nasugatan habang may 500 bahay ang natupok sa sunog na naganap sa San Juan City sa mismong araw ng Pasko, kahapon ng madaling-araw.

Base sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa San Juan, nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-2:00 ng madaling-araw sa Mahinhin St., hanggang sa Matimyas St., at Pinaglabanan sa lungsod.

Sa inisyal na  report, sinasabing nagsimula ang sunog  sa isang tahanan na walang tao at mabilis na kumalat ang apoy na tumupok sa mga magkakadikit na bahay.

Isang residente na nakilala lang sa pangalang Boy Pricio, 50, ang nasugatan sa insidente matapos umanong madulas at mabagok, habang napilayan naman ang isang Jomar Madrona nang mahulog mula sa bubungan.

Dakong alas-6:00 naman ng umaga nang ideklarang fire under control ang sunog at bandang alas-7:00 naman bago ito tuluyang idineklarang fire out.

Ang mga nawalan ng tahanan ay kasalukuyan nagsi­siksikan sa barangay covered court sa lugar.

Kaagad naman silang dinalaw ni dating pangulong Joseph Estrada at ni San Juan City Mayor Guia Gomez.

Inaalam na ng arson investigators ang dahilan ng  sunog na tinatayang P2.5 milyon na halaga ang natupok na ari-arian.

BOY PRICIO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAKONG

JOMAR MADRONA

JOSEPH ESTRADA

MAHINHIN ST.

MATIMYAS ST.

SAN JUAN

SAN JUAN CITY

SAN JUAN CITY MAYOR GUIA GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with