^

Metro

Presyo ng petrolyo tumaas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa halip na positibong aginaldo, dagdag-singil sa mga  produktong petrolyo ang regalo ng mga oil companies sa  bansa na ipinatupad kahapon sa bisperas ng Pasko.

Dakong alas-12:01 ng ha­tinggabi nang magpatupad ng pagtataas ang Pilipinas Shell. Nasa 50 sentimos kada litro ang itinaas nito sa kanilang premium at unleaded gasoline habang 55 sentimos naman sa kada litro sa regular gasoline.

Nasa 45 sentimos kada litro rin ang itinaas ng Shell sa kanilang diesel at mas mataas ng 60 sentimos kada litro sa kerosene.

Sumabay din naman ang Petron Corp. sa naturang pag­ta­taas sa parehong oras at parehong mga presyo sa naturang mga produktong petrolyo.

Alas-6:00 ng umaga naman­ nang itinaas ng PTT sa 50 sentimos ang presyo sa kada litro ng gasolina at 45 sa kada litro ng diesel.

Ang naturang pagtataas ay makaraan ang tatlong sunud-sunod na rollback sa presyo ng petrolyo sa mga nakaraang linggo na inasahan ng mga motorista na magtutuluy-tuloy.

vuukle comment

DAKONG

KADA

LITRO

PASKO

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

SENTIMOS

SHY

SUMABAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with