Kelot hulog sa underpass, utas

MANILA, Philippines - Matapos na mawalan ng  balanse, patay ang isang lalaki na nahulog sa hagdanan ng Quiapo underpass  sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Rolando Gadia Acosta,   ng  San Bernardo St. Sta Cruz, Maynila.

Nabatid na alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente habang patungo sa Simbahan ng Quiapo ang biktima  nang tumigil sa steel railing ng underpass sa  Recto Ave. Sta Cruz, Maynila.

Nawalan umano ng balanse ang biktima kaya nahulog at nabagok ang ulo sa sementadong hagdanan ng underpass na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Show comments