^

Metro

Vendors dinemolis: 2 todas, 1 kritikal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging madugo ang isinasagawang clearing operation sa mga illegal vendors sa tiangge sa Pasig Public Market matapos na pagbaba­rilin ng isang hindi kilalang lalaki ang tatlong personnel ng Batas ng Ciudad Enforcement Office (BCEO) na ikina­sawi ng dalawa sa mga ito at malubhang ikinasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi.

Kaagad namang ipi­nag-utos ni Pasig City Mayor Bobby Eusebio ang masu­sing imbestigasyon at agarang pagresolba sa pagkamatay nina Rey Martinada, 25, ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City at Rommel Caiga, 39, ng Barangay Rosario.

Ang dalawa ay nasawi bunsod ng tinamong ilang tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan.

Samantala, ma­lubha ring nasugatan si Alma Lacy, 50, na ka­salukuyan pang gina­gamot sa Pasig City General Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa kanyang pisngi.

Nabatid na ipinag-utos na rin ni P/Senior­ Supt. Mario Rariza,  hepe ng Pasig City Police, ang isang manhunt operation laban sa hindi kilalang suspek na inilarawang  5’8’’ ang taas, kulot, medium built at nakasuot ng dark na stripes t-shirt.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen habang nagsasagawa ng night clearing operation ang tatlo sa Market Avenue, sa Brgy. Palatiw laban sa mga illegal vendors sa tiangge sa palengke.

Sa salaysay ni Jackson Leonidas, 32, ka­samahan ng tatlo, bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang tatlo habang nakikipag-usap sa mga pinaaalis na vendors.

Kaswal lamang umanong umalis sa lugar ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

 

ALMA LACY

BARANGAY ROSARIO

BRGY

CIUDAD ENFORCEMENT OFFICE

JACKSON LEONIDAS

MARIO RARIZA

MARKET AVENUE

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with