^

Metro

Pulis na nakabaril sa11-anyos, sinibak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines - Isa na namang bagitong pulis ang  sinibak matapos   makabaril na ikinasugat ng isang 11-anyos na batang la­laki habang naglalakad sa Tondo, Maynila noong naka­raang Linggo.

Si PO1 Alan Ruiz ay inireklamo sa tanggapan ng Ma­nila Police District-General Assignment Section ng bik­timang si John Michael Agao, kasama ng kanyang magulang na isa ring pulis na si SPO2 Inocentes Agao noong Disyembre 8.

Matatandaan na naglalakad ang biktima sa kanto ng Perlas at Quirino Sts. nang magpaputok ng ilang beses ang suspect na noo’y lango sa alak.

Napansin na lamang ni Agao na tinamaan siya nang may umaagos na dugo sa kanyang hita at butas na ang kanyang suot na short.

Nagtatakbo pauwi si Agao  at nagsumbong sa kanyang mga magulang dahilan upang pormal na maghain ng reklamo sa MPD-GAS.


Narekober sa lugar ang anim na basyo ng bala ng .9mm na baril.

Nahaharap si Ruiz sa mga kasong illegal possesion of fire arms, alarm and scandal at reckless imprudence resulting to serious physical injuries.

Sa ngayon ay hindi pa rin lumulutang ang suspect upang harapin ang alegasyon laban sa kanya kaya naman patuloy itong tinutugis ng kanyang mga kabaro.

vuukle comment

AGAO

ALAN RUIZ

DISYEMBRE

INOCENTES AGAO

ISA

JOHN MICHAEL AGAO

LINGGO

MATATANDAAN

POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

QUIRINO STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with