Mag-asawa lasog sa tanker

MANILA, Philippines - Nalasog ang  katawan ng  isang mag-asawa matapos na aksidenteng mabundol ng tanker truck ang kanilang motorsiklo at masagasaan pa sa may Commonwealth Avenue, lungsod Quezon, kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Malvar General Hospital ang mga biktimang sina Moises Caneba, Jr., 45, mason at asa­wang si Leonida, 48, kapwa  residente ng #10 Laura St., Purok 5, Old Balara sa lungsod.

Kasong reckless imprudence resulting damage to pro­perty with multiple homicide ang kinakaharap naman   ng driver na si Teudy Gallaza, 44, may-asawa ng #2601 H7 Jesus St., Pandacan, Manila.

Ayon kay PO3 Perlito L. Datu ng Quezon City Traffic Sector 3, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Ellip­tical Road, corner Commonwealth Avenue, harap ng Philippine Coconut Authority, Bgy. Old Balara, ganap na alas-5:45 ng hapon.

Lumalabas na sakay ang mag-asawa ng motorsiklo at binabagtas ang Elliptical Road, galing sa Commonwealth Avenue at patungong North Avenue. Pagsapit sa naturang lugar ay biglang nasagi ang tagiliran ng mo­torsiklo ng mga biktima ng tanker na minamaneho ni Gallaza na papa­tawid naman sa lugar.

Dahil dito, tumimbuwang ang motorsiklo kasama ang mag-asawa, saka muling nasagasaan ng tanker sanhi para magtamo sila ng matinding pinsala sa katawan.

Show comments