MANILA, Philippines - Pinangunahan nina Manila Mayor Alfredo S. Lim, actor Cesar Montano at Ospital ng Maynila director Dr. Vangie Morales ang paglulunsad ng kanilang kampanya laban sa tuberculosis at iba pang pulmonary diseases.
Kasama sina city security force ret. Maj. Nick Amparo, Councilor Josie Siscar at first district councilor candidate Raffy Jimenez, ininspeksiyon ni Lim ang ospital kung saan pinapurihan nito ang mga doktor, nurse at staff sa ginagawang kampanya upang maintindihan ng publiko ang mga sakit na dapat na agapan.
Ipinaliwanag naman ni Morales na ang kampanya laban sa tuberculosis-directly observed treatment (TB-DOTS) ay may koordinasyon sa Department of Health at WAA Wellness Acupuncture and Acupressure.
“Our approach to patients is wholistic in nature as we address physical and internal organs. In relation to anatomical structure and physiological action, dermatology is there for those who are not aware of TB of the skin,” ani Morales.