^

Metro

Para iwas trapik: Malls pinagsusumite ng midnight sale schedules ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang maibsan ang matinding trapik sa Kalakhang Maynila nitong buwan ng Kapaskuhan, pinagsusumite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga shopping mall operator ng mall schedules tulad ng midnight sale o mall hours extension.        

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ina­asahan ang pagdagsa ng mga shopper  sa mga mall  kung kaya’t nakararanas ng matinding trapik sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila tulad ng kahabaan ng EDSA.

Aniya, kailangan ipinapaalam sa kanila ng mga may-ari ng mga  mall  ang mall schedules nito  upang maipakalat ang impormas­yon at makapaghanda ang mga traffic enforcers lalo’t skeletal force o konti na lang ang naka-duty na traffic enforcers pagsapit ng gabi.

Inoobliga rin ng MMDA ang mga mall guard na isailalim  sila  sa traffic training  upang makatulong sa pagresolba ng trapik.

“Para makatulong sa trapiko, hindi lamang dapat intindihin ng mga guwardiya ang pagbabantay sa mall premises kundi lumabas na rin ng kalye at umalalay sa trapiko,” panawagan ni Tolentino.     

Sinabi pa ni Tolentino na agad nilang iaanunsyo ang mall schedule sa oras na makapagsumite sa kanila ang mga malls operator para maging gabay sa mga motorista at hindi mangunsumi sa pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga lansangan.

Ayon naman kay Javier Hernandez, AVP Commercial Business Group Ayala Land, na handa silang ma­ki­pagtulungan sa MMDA upang makatulong sa pagsasaayos ng trapiko sa Metro Manila.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMMERCIAL BUSINESS GROUP AYALA LAND

JAVIER HERNANDEZ

KALAKHANG MAYNILA

MALL

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with