^

Metro

2 ‘tulak’ nag-dwelo, kapwa sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang dalawang lalaking hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga makaraang magbarilan dahil sa onsehan kamakalawa ng umaga sa lungsod ng Muntinlupa.

Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police ang mga suspek na isinugod sa Ospital ng Muntinlupa na sina Aldrin Cuarto, 25, Brgy. Ba­yanan, at Candido Mercado, Jr., ng  Diliman, Quezon City.

Nabatid na kapwa kabilang ang dalawa sa “drug list” ng pulisya na isinasailalim sa operasyon.

Sa inisyal na ulat, naganap ang duwelo ng dalawa dakong­ alas-7 ng umaga sa bahay ng isang Rosario Gomez sa may Purok 1 Block 10 Brgy. Bayan-Bayanan.  Unang narinig na nagtatalo ang dalawa na posibleng ukol sa bentahan nila sa iligal na droga.

Nang kapwa mag-init dito na nagkahamunan at nagbunot ng sarili nilang baril at nagbarilan sa loob ng bahay.  Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang dalawang suspek.

Narekober ng pulisya sa lugar na pinangyarihan ng barilan ang isang kalibre .9mm,  isang kalibre  38 revolver at tig-tatlong basyo ng bala mula sa dalawang uri ng baril.  Patuloy naman ang mas masusing imbestigasyon sa naturang insidente.

ALDRIN CUARTO

BAYAN-BAYANAN

BRGY

CANDIDO MERCADO

DILIMAN

KAPWA

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY POLICE

QUEZON CITY

ROSARIO GOMEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with