^

Metro

Driver ginilitan ni lolo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Binayaran na kita, yun ang sinabi niya sa akin na pasigaw, di ako nakatulog nung gabi, kinabukasan, tinodas ko na siya.”

Ito naman ang tahasang pag-amin ng isang 68-anyos na lolo na sadya niyang pinatay ang 59-anyos na taxi driver, upang hindi na maulit pa ang ikalawang beses na pag-estafa sa kanya ng halagang P25, sa Pandacan, Maynila, kahapon  ng umaga.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang biktimang si Francisco Adina, residente ng #1970 Obesis St., Pandacan, habang ang suspect  na si Aurelio La Madrid­ at  kapit-kuwarto ng biktima  ay agad namang sumuko kay Chairman  Edmundo Tojon, ng Bgy. 844, Zone  93, Pandacan.

Sa ulat  ni  PO1 Anthony Boncan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

 Nakaupo at may ginagawa sa tapat ng drainage ang biktima nang sugurin  ng saksak sa leeg ng suspect at nang bumulagta ay dinala sa OSMA ng mga kaanak, habang ang suspect naman ay agad ding sumuko nang sunduin ni Chairman Tojon sa kanyang bahay.

Aminado rin ang suspect na napasok na siya noong 1995 sa National Center for Mental Health. Nasa Bacolod umano ang kanyang misis at nakikitira lamang siya sa kapatid sa Pandacan.

vuukle comment

ANTHONY BONCAN

AURELIO LA MADRID

CHAIRMAN TOJON

EDMUNDO TOJON

FRANCISCO ADINA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MENTAL HEALTH

PANDACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with