MANILA, Philippines - Patay ang isang 53-anyos na labandera nang saksakin ng kapatid at nadamay pa ang kaniyang manugang na sugatan din sa San Andres, Maynila, kahapon ng umaga.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Efrenita Vistal, residente ng BMC Tower 2, Osmeña Highway, San Andres, Maynila, sanhi ng saksak sa katawan habang sugatan naman ang kanyang manugang na si Marifiel Lopeno, 26, waitress, na nagtamo ng saksak sa braso.
Tumakas naman ang suspect na si Jorge “Jek-jek” Vistal, 39, walang trabaho, kapatid ng nasawi.
Sa ulat ni PO3 Rodel Benitez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insi dente sa loob ng bahay ng mga biktima.
Nauna rito, nagkuku wentuhan ang magbiyenan nang dumating ang lasing na suspect.
Maya-maya ay biglang nagalit ang suspect at naghinala na siya ang pinag-uusapan ng dalawa kaya kumuha ng icepick at walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mga ito.
Nasa maayos nang kalagayan si Marifiel subalit napuruhan naman ang biktimang si Efrenita.