MANILA, Philippines - Arestado ang isang 46-anyos na lalaki sa aktong nagbebenta ng carnapped vehicle, sa isinagawang entrapment operation, sa Sam paloc, Maynila iniulat kahapon.
Kinilala ni P/Chief Insp. Rizalino Hernandez, hepe ng Manila Police District-Anti-Carnapping Unit (MPD-ANCAR) ang dinakip na si Romeo Bulaong, residente ng Marcosin St., Brgy., Gulod Novaliches Quezon City.
Ang pagkaka-aresto dito ay bunsod ng natanggap na impormasyon ng pulisya hinggil sa umano’y nagbebenta ng sasakyan na Mitsubishi Adventure (PIF-897), na kulay pula sa halagang P90-libo lamang.
Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng ha pon noong nakaraang Disyembre 6 (Huwebes) nang isagawa ang ope rasyon sa Blumentritt Extension, Sam paloc Maynila.
Nang iberipika ang rekord ng plate number sa Highway Patrol Group (HPG) ay nadiskubreng kabilang ito sa iniulat na nakarnap, noong Agosto 22.
Dahil dito, agad na isinagawa ang operasyon sa pamumuno nina P/Sr., Insp. Rosalino Ibay Jr., at mga tauhang sina PO3 John Allan Badilla, PO2 Javier Pederio, PO2 Marvin Dela Cruz at PO2 Arnel Villanueva.
Nang makipagtransaksiyon ang nagpanggap na buyer ng sasakyan kay Bulaong ay hinanapan siya ng papeles ng ibinebentang sasakyan subalit bigo ito kaya siya inaresto.