100 trak huli sa truck ban

MANILA, Philippines - Aabot sa isang daang truck ang nahuli ng Metro­politan Manila Development Authority (MMDA) sa unang araw nang pagpapatupad ng truck ban.

Ayon kay  MMDA Chairman Francis Tolentino, naging mahigpit ang pagpapatupad ngayon ng truck ban na inaasahang makaka­tulong sa pagluwag sa trapiko sa mga lansa­ngan ngayong Christmas season.

Sinabi ni Tolentino na ang mga truck na may gross weight na 4,500 kilogram ay bawal­ dumaan  sa lansa­ngan ng Metro Manila.

 Ang pagpapatupad ng truck ban ay inum­pisahan noong Disyembre 7 ng taong kasaluku­yan hanggang Enero 6, 2013 at itoy araw-araw maliban lamang tuwing araw ng Linggo at holidays­.

Sa ilalim ng truck ban, hindi pa rin makakadaan ang mga truck sa EDSA mula Magallanes Inter­change hanggang Balintawak. Total truck ban din sa kahabaan ng EDSA.

Ipinaliwanag pa ni Tolentino na hindi sakop ng ban ang mga truck na may lamang perish­able  at agricultural goods.

 

Show comments