^

Metro

Call center agent, tinodas ng kapwa agent

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang call center agent, na sinasabing bading  ang umano’y pinatay ng kanyang kapwa call center agent  sa Marikina City kamakalawa ng umaga. Ang biktima ay nakilalang si Estanislao Huranilla, 51, ng Mica’s Place, 11th Avenue­, Quezon City. Itinuturo namang suspek sa krimen ang isang John Lendry Moya, 18, na residente naman ng  Jordan Heights Subdivision, Novaliches, Quezon City  na huling nakitang kasama ng biktima bago ito natagpuang patay. Batay sa isinagawang pagsisiyasat ni SPO1 Manuel Layson Jr., ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Saboy St., corner Kingsway Subdivision, Brgy. Nangka, Marikina City.

Sa inisyal na imbestigas­yon, una umanong nakitang nag-iinuman sina Huranilla at Moya sa naturang lugar kasama ang iba pa. Binanggit ng ilang testigo na narinig nilang nag-uusap ang dalawa tungkol sa singilan. Ilang sandali pa ay tumayo umano ang suspect na sinundan naman­ ng biktima. Kinabukasan ay nagulat na lamang ang mga residente nang makita ang bangkay ng biktima.  Teorya ng mga pulis, posible umanong nagkaroon nang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pagpatay.

Isang hampas ng matigas na bagay sa batok ng biktima na siyang nagresulta sa pagkamatay nito.

 

ESTANISLAO HURANILLA

ISANG

JOHN LENDRY MOYA

JORDAN HEIGHTS SUBDIVISION

KINGSWAY SUBDIVISION

MANUEL LAYSON JR.

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

QUEZON CITY

SABOY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with