Lasing na parak, nagwala, kalaboso

MANILA, Philippines - Isa umanong lasing na pulis ang inaresto matapos na iwasiwas nito ang kanyang baril malapit sa isang burol sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ni PO2 Dennis Llapitan ang inarestong kabaro na si PO1 Emerio Bilan, nakatalaga sa Quezon City Police District’s (QCPD) Station 12 at residente sa Cainta, Rizal.

Ayon kay Llapitan, si Bilan ay isasailalim sa inquest proceedings kahapon ng umaga sa city prosecutor sa kasong illegal possession of firearms at alarm and scandal

Inirekomenda naman ng piskalya ang pagsasampa ng kasong illegal possession of firearms habang for further investigation naman ang kasong alarm and scandal.

Samantala, si Bilan ay kasalukuyang nakaditine sa detention facility ng QCPD’s Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Inaresto ang parak dahil sa reklamo ni Barangay Captain na si Elmer Maturan, 51.

Ayon kay Maturan, sumulpot umano si Bilan na lasing at saka umupo sa harap ng isang sari-sari store sa San Pablo St., Barangay Bagumbayan, saka iwinasiwas ang kan­yang baril  ganap na alas 8 ng gabi. 

Nilinaw ni Llapitan na ang kalibre 45 baril na hawak ni Bilan ay personal niya pero wala umano itong permit to carry, at off duty na nang mangyari ang insidente.

 

Show comments