^

Metro

3 FEU student niratrat: 2 patay, 1 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang estudyante ng Far Eastern University (FEU) ang nasawi ha­bang isa pa ang nasugatan makaraang ratratin ng isang lalaking  armado ng baril sa tapat ng kanilang eskwelahan sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima ay pawang miyembro ng cheering squad ng nasabing uni­bersidad.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa University of Sto. Tomas (UST) Hospital ang  mga biktima na kinilalang sina Gerald Ramos, 21, ng Binondo, May­­nila at Juan Paulo Ne­po­mu­­ceno, 17, ng Sampa­loc, Maynila.

Malubha ding nasugatan sa likurang bahagi ng katawan ang isa pang es­tud­yante at ginagamot nga­yon sa Mary Chiles Hospital na kinilalang  si  Adrian Joseph Santiago, 17,  ng Poblacion, Baliuag, Bulacan.

Inilarawan ang suspect na may taas na 5’4-5’6,  mahaba ang buhok, ka­tamtaman ang panga­nga­tawan, at armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Si Ramos  ay nagtamo ng tama ng bala sa  kanang bahagi ng kanyang dibdib at leeg at idineklarang patay ganap na alas-8:40 ng gabi.

Samantalang si  Nepomuceno ay binawian ng buhay, ganap na alas-10:25 ng gabi matapos isailalim sa surgical operation  dahil sa tinamong tama ng bala sa  dibdib, leeg at likod.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ramir Dimagiba, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:45 ng gabi ng Martes nang maganap ang insidente sa R. Papa St. malapit sa Nicanor Reyes Sts. sa Sampaloc.

Sa imbestigasyon, kalalabas lamang umano ng mga biktima sa unibersidad at papunta na sana  sa gymnasium sa R. Papa St. nang salubungin ng suspect at saka sunud-sunod na pagbabarilin.

May nakuha nang kop­ya na kuha ng closed cir­­cuit te­levision (CCTV) ang pulisya subalit malabo uma­no ito kaya nanga­nga­lap pa ng iba pang kuha sa kalapit na mga establisemento para ma­kilala ang salarin.

Tinitingnan ang anggulong frat war.

vuukle comment

ADRIAN JOSEPH SANTIAGO

FAR EASTERN UNIVERSITY

GERALD RAMOS

HOMICIDE SECTION

JUAN PAULO NE

MARY CHILES HOSPITAL

MAYNILA

PAPA ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with