^

Metro

2 lider ng drug syndicate, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang kilabot na lider ng isang drug group, kabilang ang isang menor-de-edad, ang naaresto ng Anti-Narco­tics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang pagsalakay sa kanilang lungga sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PDEA Director General, Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang ope­rasyon ay ginawa ng PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) bunga ng search warrants sa tatlong bahay sa Lakas Street sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue, Brgy. Matandang Balara, Quezon City.

Pangunahing nasa war­rants ang suspect na si Armando­ Iglesia, alyas Bukol, 46, driver; at isang 16-anyos na batang lalaki na agad namang naaresto sa operasyon, ganap na alas-4:00 ng hapon.

Narekober ng PDEA ang mga sachets ng metham­phe­tamine hydrochloride, o shabu­, mga drug paraphernalia at dalawang kalibre 38 pistola.

Ang mga suspect ay nahaharap sa mga kasong pag­l­abag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) at Section 12 (Possession of Equipment,  Instrument, Paraphernalia), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sila ay nakapiit ngayon sa PDEA custodial facility sa Quezon City.

DIRECTOR GENERAL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

LAKAS STREET

MATANDANG BALARA

POSSESSION OF EQUIPMENT

QUEZON CITY

REGIONAL OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

REPUBLIC ACT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with