Rollback sa gasolina

MANILA, Philippines - Patuloy ang taas-baba na galaw sa presyo ng petrolyo sa bansa makaraang magtapyas sa presyo ang ilang kompanya ng langis ngayong Martes ng madaling-araw.

Dakong alas-12:01 ng madaling araw, pinangunahan ng Pilipinas Shell ang rollback.  Sa mensaheng ipinadala ni Toby Nebrida, tagapagsalita ng Shell, nasa P.60 kada litro ang ibinaba nila sa halaga ng unleaded gasoline, P.40 kada litro sa kerosene at P.35 sentimos sa kada litrong regular na gasolina.

Sumabay din dito ang kompanyang Eastern Petroleum na nagbaba ng P.60 kada litro sa unleaded at maging sa premium gasoline nila at P.40 sa regular gasoline. Wala namang paggalaw sa halaga ng diesel na ipinatupad ang dalawang gas company.

Inaasahan naman na susunod sa naturang bagong kilos ng presyo ng petrolyo ang ibang kumpanya ng langis sa bansa ngayong Martes.

Sinabi ni Nebrida na ibinase pa rin nila ang price ad­justment sa galaw ng presyo ng iniimport na petrolyo sa internas­yunal na merkado na sinasa­lamin lamang ng lokal na presy­o sa bansa.

Show comments