PNP-FEO nagsagawa ng inspection vs loose firearms

MANILA, Philippines - Bilang suporta sa kampanya laban sa loose firearms, nagsagawa kamakalawa ng  surprise inspection ang  ang pamunuan ng  Philippine National Police-Firearms  and Explosives Office (PNP-FEO) sa ilang mga Private Security Agencies sa  Pasay City.

Mismong si PNP-FEO chief, Chief Supt. Raul  Petrasanta ang  nanguna sa inspection, accounting, inventory at monitoring ng mga baril  at lisensiya.

Ayon kay Petrasanta,  ang  kanilang  inspection  ay alinsunod  sa kanilang pinaiigting na kampanya laban sa loose firearms sa ilalim ng Presidential Directives 2012.

Paliwanag ni  Petrasanta,  ang kanilang inspection ay alinsunod sa  operational plan ng  PNP na “Oplan Kontra­Boga” at “LOI-Bilang-Boga” sa mga pribadong security agency  na  expired na ang mga lisensiya ng baril gayundin ang pagkakaroon ng  isang lisensiya  subalit dalawa o  higit pa ang hawak na baril. Giit pa ni Petrasanta, pinaiigting din nila ang kampanya bilang paghahanda sa Secured and Fair Election (SAFE) 2013 at mapanatili ang  peace and order sa bansa.

 

Show comments