PNP-FEO nagsagawa ng inspection vs loose firearms
MANILA, Philippines - Bilang suporta sa kampanya laban sa loose firearms, nagsagawa kamakalawa ng surprise inspection ang ang pamunuan ng Philippine National Police-Firearms and Explosives Office (PNP-FEO) sa ilang mga Private Security Agencies sa Pasay City.
Mismong si PNP-FEO chief, Chief Supt. Raul Petrasanta ang nanguna sa inspection, accounting, inventory at monitoring ng mga baril at lisensiya.
Ayon kay Petrasanta, ang kanilang inspection ay alinsunod sa kanilang pinaiigting na kampanya laban sa loose firearms sa ilalim ng Presidential Directives 2012.
Paliwanag ni Petrasanta, ang kanilang inspection ay alinsunod sa operational plan ng PNP na “Oplan KontraBoga” at “LOI-Bilang-Boga” sa mga pribadong security agency na expired na ang mga lisensiya ng baril gayundin ang pagkakaroon ng isang lisensiya subalit dalawa o higit pa ang hawak na baril. Giit pa ni Petrasanta, pinaiigting din nila ang kampanya bilang paghahanda sa Secured and Fair Election (SAFE) 2013 at mapanatili ang peace and order sa bansa.
- Latest