^

Metro

Bahay ng trader, pinasabugan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawang lalaki matapos hagisan ng molotov bomb ang bahay ng isang negosyante na dahilan nang pagkalat ng apoy sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Nakakulong sa Valenzuela City Police ang mga suspek  na sina Carlos Morales, 26,  ng Wawang Polo ng lungsod at Enrico Manes, 22 ng Obando, Bulacan.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong  ala-1:00 ng madaling araw habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga suspek at pumarada sa tapat ng bahay ni Roberto Aquino, 42 sa F. Valenzuela St., Brgy.  Palasan, Valenzuela City.

Nabatid, na  bumaba si Manes at hinagisan ng molotov bomb ang bahay ng biktima dahilan din ng pagkalat ng apoy na nagawa namang maapula ng mga kapitbahay ng biktima.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na hinabol ng mga barangay tanod at madakip.        

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pagpapasabog ng mga suspek.

vuukle comment

AYON

CARLOS MORALES

ENRICO MANES

ROBERTO AQUINO

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

VALENZUELA ST.

WAWANG POLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with