^

Metro

Tsinoy utas sa holdaper na riding-in-tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 62-anyos na negosyanteng Tsinoy nang pagbabarilin ng hol­daper na riding-in-tandem nang tumanggi umanong ibigay ang kanyang mga alahas sa  Sta. Mesa, Maynila,  kahapon ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Lourdes Hospital ang biktimang si Leonardo Chua, ng Junction Tuguegarao City, Cagayan at pansamantalang nanunuluyan sa isang kamag-anak sa Aliw-iw St., Sta. Mesa, Maynila sanhi ng limang tama ng bala sa katawan.

Mabilis na humarurot ang hindi pa kilalang mga suspect na magkaangkas sa isang kulay pula at kumbinasyong itim na motorsiklo.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:15 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa Aliw-iw St., Sta. Mesa, Maynila.

Nakaparadang bukas ang pintuan ng kulay pulang  Nissan Patrol (BCT 678) ng biktima habang nasa loob ito at diumano’y hinihintay  ang kanyang driver nang  dikitan ng motorsiklo ng suspect.

Bumaba umano ang  naka­angkas at nagdeklara ng holdap habang ang nagmaneho ay humarang sa harapan ng sasakyan ng biktima.

Tumanggi umano ang biktima na ibigay ang kanyang mga alahas na nagkakahalaga ng P90,000 kaya ito binaril,  bago tuluyang tu­makas ang mga suspect.

ALIW

BUMABA

JUNCTION TUGUEGARAO CITY

LEONARDO CHUA

LOURDES HOSPITAL

MABILIS

MAYNILA

NAKAPARADANG

NISSAN PATROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with