P12.8-M kinita sa ‘Sapatos Festival’

MANILA, Philippines - Tinatayang mahigit sa P12.8 milyon ang  kinita ng 41 magsasapatos na lumahok sa Shoe Caravan at Mega Shoe Sale na ginanap kamakailan sa Marikina City.

Ikinatuwa naman ito ni Marikina Mayor Del de Guzman dahil mas mataas ito kumpara sa P8.6 milyon na kinita noong Sapatos Festival 2011.

Nagpasalamat din si De Guzman sa 16 na alkalde sa Metro Manila na sumuporta sa Sapatos Festival ngayong taon dahil pinatunayan umano ng mga ito na marami pa ring mga Pinoy ang nagtitiwala na kapag gawang Marikina ay dekalidad ang mga sapatos.

Aniya, malaking tulong ito sa mga magsasapatos at sa lokal na pamahalaan para muling mapasigla ang industriya ng sapatos sa bansa.

Nabatid na maari pa ring makabili ng sapatos na mas mura ng 30 porsyento at de kalidad na sapatos sa Patio Del Zapateros, katabi ng Shoe Museum sa Barangay San Roque hanggang Disyembre 31.

 

Show comments