MANILA, Philippines - Tumaas ng 7.5 percent o katumbas ng 8,742 ang kaso ng dengue ang naitala ng Quezon City Health Department simula Enero ng taong ito hanggang ngayong ikatlong linggo ng Nobyembre sa lungsod.
Ayon kay Dra. Antonieta Inumerable, hepe ng QC health department, mas mataas ang bilang ng mga tinamaan ng dengue ngayon kung ikukumpara sa kaparehong period ng 2011 na umabot lamang sa 8,162 cases.
Gayunman,sinabi ni Inumerable na mas mababa naman ang bilang ng namatay mula Enero hanggang November, 2012 na umabot lamang sa 45 kung ikukumpara sa kaparehong period ng 2011 na umaabot sa 58 katao ang nasawi.
Anya, karamihan sa mga biktima ay ang mga naninirahan sa depressed area, gilid ng sapa, ilog at creek na sakop ng district 2 sa lungsod.