^

Metro

Sekyu todas sa boga ng kapwa sekyu

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang security guard ang nasawi  matapos na tamaan ng bala makaraang aksidenteng pumutok ang baril ng kasamahan habang itinatabi ito sa information center na kanilang binabantayang kompanya sa lungsod Quezon, kamakalawa.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang biktima na si Emetrio Pacle Jr., 37, biyudo, ng Baesa Road, Brgy. Baesa sa lungsod.

Nasa kustodiya naman ng awtoridad ang suspect na si Roy Nayug, 30, at residente ng  Reparo St., Bagong Barrio sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa loob ng Sobida Motors Corporation na matatagpuan sa 49 Gen. Luis St., Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, ganap na alas-7:45 ng gabi.

Lumilitaw na ang biktima at suspect ay parehong naka-duty sa oras na nabanggit kung saan  ay inaayos ng huli ang kanyang shotgun para itabi sa information counter ng kanilang tanggapan ng aksidenteng pumutok  at tinamaan ang biktima na nagbabantay sa may main gate nito. 

Dahil dito, agad na isinugod ng suspect ang biktima sa Novaliches General Hospital pero idineklara din itong dead-on-arrival.

 

vuukle comment

BAESA ROAD

BAGONG BARRIO

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

EMETRIO PACLE JR.

LUIS ST.

NAGKAISANG NAYON

NOVALICHES GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with