^

Metro

UPLB coed nag-dive mula 7th floor, lasog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang babaeng hinihinalang estud­yante ng University of the Philippines-Los Baños makaraang tumalon mula sa ika-7 palapag ng condominium sa Malate, Maynila, kama­kalawa ng hapon. 

Inilarawan ang biktima sa edad na 19-20, katam­taman ang pangangatawan, may taas na 5’6’’, nakasuot ng kulay maroon na short pants at round neck na t-shirt na may logo ng University of the Philippines Los Baños, Institute of Human Nutrition and Food Performing School in Nutrition and Dietetics, nakasuot din ito ng gray jacket, mahaba ang buhok na kulay blonde.

Sa ulat ni SPO1 Gerardo Rivera ng Manila Police District-Homicide Section,  dakong alas-4:00 ng hapon nang tumalon ang biktima mula sa 7th floor ng Grand Towers Manila Condomi­nium na nasa #790 P. Ocampo St., Malate.

Base sa footages mula sa CCTV ng nasabing con­do­minium, galing ang biktima mula sa 29th floor at sumakay sa elevator dakong alas-3:41 ng hapon. Bumaba ito ng 7th floor kung saan matatagpuan ang amenities ng building.

Pagkatapos ay umakyat ito sa concrete fence na may taas na 5 talampakan sa 7th floor at tinanggal nito ang suot niyang kulay green na sandals saka tumuntong sa isang plant­ box saka ito tumalon at bumagsak sa likurang bahagi ng condo kung saan naroon naman ang saksing si  Lucky Tinio, 20, habang nakatayo ito  sa harapan ng kanilang bahay sa Alunan St., Malate.

Nabatid na hindi umano ito napansin ng nag-iisang naka-duty na security guard sa nasabing floor dahil nagro-roving  ito sa lugar.

Maging ang ilang emple­yado ng condo ay hindi rin nila napansin ang pagpapa­kamatay ng biktima dahil nakatuon umano ang kanilang pansin sa mga naliligo sa swimming pool.

Inaalam pa ng pulisya kung guest o tenant ang biktima at motibo sa pagpa­patiwakal.

 

vuukle comment

ALUNAN ST.

GERARDO RIVERA

GRAND TOWERS MANILA CONDOMI

INSTITUTE OF HUMAN NUTRITION AND FOOD PERFORMING SCHOOL

LUCKY TINIO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NUTRITION AND DIETETICS

OCAMPO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with