^

Metro

Sa nadadalas umanong pang-aagaw ng baril at pagkapatay sa nahuhuling mga suspect sa Maynila: Mayor Lim pumalag sa pahayag ng CHR

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na nagkataon lamang ang insidente ng pagkamatay ng mga suspect na  nang-agaw ng baril ng mga pulis sa Manila Police District (MPD).

“Coincidence lang ‘yun. Walang pattern diyan, I assure the public,” ani Lim sa panayam ng isang radio station.

Ayon kay Lim, dapat na munang alamin ni Commission on Human Rights chairman Etta Rosales ang  resulta ng imbestigasyon ng  pulis bago ikondena o batikusin ang kapulisan.

“Bago tayo mag-condemn sa isang pangyayari, eh mag-imbestiga muna tayo. Kung may lalabas na testigo kontra sa pulis, eh ako mismo papakasuhan ko sila,” anang alkalde.

Nabatid kay Lim na siya mismo ang  nag-utos na magsagawa ng imbestigasyon  at kung sakaling nagpabaya ang police escort  siya pa mismo ang magsasampa ng kasong administratibo laban sa mga ito.

Naniniwala si Lim na nais lamang ng mga pulis na protektahan ang kanilang mga sarili mula sa mga suspect.

Ang pahayag ni Lim ay bunsod na rin ng  pagkuwes­tiyon ng CHR sa panibagong insidente ng pang-aagaw ng baril ng suspect na si Nestor Delizalde, Jr. mula sa kanyang mga police escorts.

Si  Delizalde ay suspect sa pagpatay sa Banco de Oro executive na si  Evelyn Tan, inang si Teresa  at kasambahay na si  Cristina Bartolay sa bahay nito sa  Sta. Cruz, Manila noong Nobyembre 11.

Matatandaang nagbitiw ng pahayag si Rosales  na “Ang dalas-dalas na niyan sa Maynila kaya naghihinala na ako na sobrang napakahina, kasi kung totoo ‘yan na nang-aagaw ng baril itong mga suspects eh nangangahulugan lang na napaka-incompetent ng ating mga kapulisan.”

Sinabi ni Rosales na nagtataka siya kung bakit nagi­ging madalas ang ganitong insidente sa lungsod ng  Maynila.

vuukle comment

CRISTINA BARTOLAY

ETTA ROSALES

EVELYN TAN

HUMAN RIGHTS

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NESTOR DELIZALDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with