Carto sketch ng 2 gunmen ni Rodelas, inilabas

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Quezon City Police District ang carto­graphic sketch ng 2 gunmen ng modelong si Julie Ann Rodelas.

Ayon kay District Director Chief Supt. Mario dela Vega, ang nasabing larawan ay base sa deskripsyong ibi­nigay ni Jaymar Waradji, isa sa nadakip na kasamahan na naging testigo laban kina Althea­ Altamirano at Fer­nando Quiambao Jr.

Ang nasabing gunman na si Efren Talib ay isinalarawan sa edad na 25-27, may taas na 5’5’’, katamtaman ang pa­ngangatawan, itim ang buhok at may kaputian. Habang ang alyas Aldos ay nasa pagitan ng edad 27, may taas na 5’7’’, katam­taman ang panga­ngatawan, itim ang buhok at moreno.

Sinabi ni PO2 Jogene Hernandez, ang mga suspect ay sinampahan na nila ng kasong murder sa Quezon City prosecutor’s office.

Aniya, ang kaso ay base sa statement ni Waradji na nagdetalye sa pangyayari, bago ang pagdukot kay Ro­delas sa Pasay City, at pagkulong sa safehouse sa Salaam compound, Brgy. Culiat­, hanggang sa pagpatay dito sa 18th Avenue, Cubao.

Samantala, sa resulta ng awtopsiya, lumilitaw na ang genitalia ng biktima ay mayroong malalim na hilom na laserasyon o “deep-healed laceration­” kung saan ayon sa source ay posibleng mula sa dati nitong naka-encounter.

Hindi rin sinama sa resulta ang spermatozoa findings dahil wala namang pagpahid o swabs na nakuha sa ka­tawan ng biktima, na isinailalim sa awtopsya dalawang araw makaraan ang pagpatay noong Nov. 6.

Tumanggi naman si Dela Vega na  i-interpret ang findings sa pagsasabing “it was a very technical aspect of the investigation.”

Show comments