Ret. police, anak patay sa ambush

MANILA, Philippines - Isang retired police at anak nito ang kapwa nasawi ma­tapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek na riding-in-tandem kamaka­lawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang mag-amang biktima na sina SPO3 Romeo Descalso, 57; at anak na si Reymund, 17.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Catmond St., ng nabanggit na lungsod habang sakay ni Reymund ang ama sa tricycle at pagsapit sa naturang lugar ay pinagbabaril  ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek sakay ng hindi na naplakahang motorsiklo. Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa pananambang.

 

Show comments