Rollback uli sa presyo ng petrolyo

MANILA, Philippines - Makaraan ang big time rollback noong nakaraang linggo, muling mag­tatapyas sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa dahil sa patuloy na pagbulusok ng halaga nito sa internasyunal na merkado.

Sabay-sabay na nagbaba ng kanilang presy­o dakong alas-12:01 ng hatinggabi ang mga kom­panyang Pilipinas Shell, Seaoil Philippines, at Eastern Petroleum.

Nasa P.35 kada litro ang ibababa ng mga ito sa presyo ng premium at unleaded gasoline, at P.20 kada litro sa presyo ng kerosene. Wala namang paggalaw sa presyo ng re­gular gasoline at diesel na gamit ng mga pampublikong behikulo.

Sinabi ni Toby Nebrida, tagapag­salita ng Shell, na nagresulta umano ang kanilang rolbak sa mababang halaga ng inangkat nilang mga produkto sa internasyunal na merkado na sinasalamin naman sa presyo ng lokal na merkado.

Wala pa namang anunsyo ang ibang kom­panya ng langis ngunit inaasahan na susunod rin ang mga ito sa bagong galaw ng presyo ng petrolyo.

Show comments