MANILA, Philippines - Pinagbawalan ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na iwasan ang pakikipag-usap sa mga walang modo o unruly foreign passengers at maging matiyaga sa mga dumarating na pasahero sa pambansang paliparan.
Sa memorandum ni David pinaalalahanan din ang airport immigration officers na ipakita ang pangangalaga o pagmamalasakit ng mga tauhan ng BI sa ilalim ng programang “BI CARES” na ang layon ay maipakita ang pagiging “courteous, accountable, responsible, and efficient service” ng mg Pinoy sa mga biyahero.
Kabilang sa mga dayuhan na pinaiiwasan ni David sa mga immigration officer ay yaong mga lasing o nasa impluwensiya ng illegal drugs bukod pa sa mga dayuhan na gumagamit ng karahasan o pananakit sa mga kapwa pasahero, ang mga nanghaharas at intimidasyon.
“All are directed to observe a professional and service-oriented behavior in handling with passengers/clients, and refrain from making unwarranted remarks”, ayon sa pinadalang statement ng komisyuner noong November 4, 2012.