^

Metro

BI personnel bawal makipag-usapsa mga walang modong dayuhan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbawalan ni Immigration Commissioner Ricardo David Jr. ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na iwasan ang pakikipag-usap sa mga walang modo o unruly foreign passengers at maging matiyaga sa mga dumarating na pasahero sa pambansang paliparan.

Sa memorandum ni David pinaalalahanan din ang airport immigration officers na ipakita ang pangangalaga o pagmamalasakit ng mga tauhan ng BI sa ilalim ng programang “BI CARES” na ang layon ay maipakita ang pagi­ging “courteous, accountable, responsible, and efficient service” ng mg Pinoy sa mga biyahero.

Kabilang sa mga dayuhan na pinaiiwasan ni David sa mga immigration officer ay yaong mga lasing o nasa impluwensiya ng illegal drugs bukod pa sa mga dayuhan na gumagamit ng karahasan o pananakit sa mga kapwa pa­sahero, ang mga nanghaharas at intimidasyon.

“All are directed to observe a professional and service-oriented behavior in handling with passengers/clients, and refrain from making unwarranted remarks”, ayon sa pinadalang statement ng komis­yuner noong November 4, 2012.

vuukle comment

DAVID

IMMIGRATION

IMMIGRATION COMMISSIONER RICARDO DAVID JR.

KABILANG

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PINAGBAWALAN

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with