40 truck ng basura, nahakot ng MMDA sa sementeryo
MANILA, Philippines - Matapos ang paggunita sa Undas, 40 truck ng basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa mga sementeryo sa Metro Manila.
Nabatid kay MMDA Chairman Francis Tolentino, kabilang dito ay ang Manila North at South cemetery, La Loma Cemetery, Loyola Memorial Park, Libingan ng mga Bayani, San Juan at Valenzuela Public Cemetery at sementeryo sa Pasig City at Pateros.
Karamihan sa mga nahakot na basura ay mga plastic bottle, styrofoam, supot at tirang pagkain.
Sinabi ni Tolentino na naging maayos naman ang monitoring at paggunita ng Undas gayundin ang ipinatupad na sistema sa mga kalsada at daloy ng trapiko.
- Latest