^

Metro

Taxi driver hinoldap, binaril ng dalawang pasahero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang taxi driver ang hinoldap na at binaril pa sa leeg ng dalawa nitong pasahero na agad namang naaresto sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa pulisya, ang biktima na naka-confine ngayon sa ospital ay kinilalang si Joel Mendoza, 46, ng Sauyo Road, Novaliches sa lungsod.

Ang mga suspect na nakapiit ngayon sa Quezon City Police Station 4 ay kinilalang sina Antonio Feliciano, 30, at Noel Norido, 49, isa ring taxi driver. Nangyari ang insidente sa may Don Villarica St., corner Luisito St., Brgy. Gulod, ganap na alas-12 ng madaling-araw. Bago ito, sumakay umano ang mga suspect sa kahabaan ng EDSA Balintawak sa pinapasadang Edero taxi (PXK-305) ng biktima at nagpahatid sa nasabing lugar.

Pagsapit dito, bigla umanong naglabas ng baril at patalim ang mga suspect at nagdeklara ng holdap. Dito na sinimulan ng dalawang suspect ang paglimas sa pera at gamit ng biktima na aabot sa P3,000. Pero hindi pa nakuntento ang mga suspect at bago umalis ay binaril pa ito sa leeg saka nagsipagtakas.

Ilang istambay na nakakita sa pangyayari ang agad na tumawag sa himpilan ng pulisya bago isinugod ang biktima sa Nova District Hospital at inilipat sa Quezon City General Hospital. Agad namang rumesponde ang mobile patrol unit ng himpilan at tinungo ang nasabing lokasyon at nadakip ang mga suspect.

 

vuukle comment

ANTONIO FELICIANO

AYON

DON VILLARICA ST.

JOEL MENDOZA

LUISITO ST.

NOEL NORIDO

NOVA DISTRICT HOSPITAL

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

QUEZON CITY POLICE STATION

SAUYO ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with