MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang unti-unti nang mababawasan ang mga insidente ng panghoholdap sa Maynila matapos na matagpuang patay ang isang kilabot na holdaper sa tulay ng Quiapo kahapon ng umaga.
Kinilala sa alyas “Rolan Tisoy”, ang natagpuang holdaper na tinatayang 30-35 anyos, may taas 5’5’’, miyembro ng “Bahala na Gang”.
Dakong alas-5 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa isang outpost sa ibabaw ng Quezon bridge sa Quiapo, Maynila.
Wala namang gustong tumestigo sa insidente, habang marami ang nagsabing kilalang notoryus na holdaper ang lalaki. Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nakalagak sa Cruz Funeral Parlor para sa awtopsiya at safekeeping.