^

Metro

Riding-in-tandem, todas sa shootout

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang  hinihinalang holdaper  ang namatay  matapos na  makipagbarilan sa mga operatiba ng Manila Police District  (MPD) makarang biktimahin ang dalawang babae sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang mga suspect na kapwa nasa  pagitan ng 30-35-anyos, may taas na  5’6’’,  ang isa ay nakasuot ng asul na t-shirt at maong pants, habang ang isa ay  kulay maroon na t-shirt.

Sa report, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng  Felix Huertas at Batangas Sts.,  Sta. Cruz,  Maynila.

Nauna rito, nagsasagawa ng pagpapatrulya sa nasa­bing lugar ang mga pulis na nakatalaga sa MPD-Station 3 sakay ang mobile car nang may biglang bumaril sa kanilang sasakyan kung saan tinamaan ang windshield nito kaya gumanti ng putok ang kapulisan kung saan bumulagta ang dalawang suspect.

Lumilitaw na hinoldap ng mga suspect sina Adoracion dela Cruz, 44, vendor ng Tondo, Maynila at Gina Ma­nimtim at kinuha ang kanilang mga bag na naglalaman ng P8,000 cash at Nokia cellphone habang naglalakad.

Narekober sa mga suspect ang pouch bag ng mga biktima, isang 9mm at kalibre 38 na baril na hinihinalang ginamit sa panghoholdap at pamamaril sa mga pulis.

Nabatid na ang isa sa mga  suspect din ang umagaw ng bag at bumaril at nakapatay sa call center agent noong Ok­tubre 28 sa may Felix Huertas St., habang naghihintay ng pampasaherong jeep.

ADORACION

BATANGAS STS

CRUZ

FELIX HUERTAS

FELIX HUERTAS ST.

GINA MA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with